Ito’y paghingi ng pahintulot na mahalin ka,
Kahit alam kong puso mo’y hindi para sa’kin talaga.
Alam ko naman mula pa noong una,
Na hindi ako ang taong hinahanap ng iyong mata.
Ngunit sa tuwing nakikita kitang masaya,
May munting tinig sa puso kong nagtatanong pa,
“May pag-asa pa ba, o hanggang dito na?”
Kahit alam kong baka wala nang pag-asa.
Ang tanging hiling ko’y hayaan mo lang ako,
Na manatili kahit sa gilid ng mundo mo.
Hindi ko hinihinging piliin mo ako,
Sapat nang minsan ay mapabilang sa buhay mo.
Mamahalin kita nang walang hinihinging kapalit,
Kahit ang puso mo’y sa iba nakalaan ang pag-ibig.
Hindi ako magmamadali, hindi kita pipilitin,
Dahil ang tunay na pagmamahal ay marunong umunawa’t maghintay rin.
[Source: Pinterest]
Kung darating ang araw na kailangan kong lumayo,
Huwag mong isipin na nagsawa na ako.
Siguro’y kailangan ko lamang tanggapin nang buo,
Na may mga pusong minamahal ngunit hindi nagiging atin sa dulo.
At kung sakaling tuluyan na akong mawala,
Sana’y maalala mong minsan, minahal kita nang sobra.
Hindi man naging tayo, hindi man kita nakasama,
Masaya pa rin akong minsang ikaw ang naging pahinga.
Dahil kahit alam kong hindi ako ang iyong pipiliin,
At kahit alam kong hindi mo kayang suklian ang damdamin,
May isang bagay na hindi ko kailanman pagsisisihan—
ang minahal kita nang buong puso,
kahit alam kong hindi kailanman magiging akin
ang pusong matagal kong hiniling na maging akin.
(This poem is inspired by the song Pahintulot of Shirebound and Busking)

